^

PSN Palaro

Arellano tiwalang maganda ang ipuputok

ACordero - Pilipino Star Ngayon

NANJING, China - De­terminado si Filipino shoo­ter Celdon Jude Arellano na maipakita ang galing laban sa mga bigating katunggali sa pagsalang sa aksyon ngayon sa Youth Olympic Games  dito.

Sa Fangshan Shooting hall gagawin ang men’s 10-meter air rifle event at walang kabang nararamdaman si Arellano dahil karamihan sa kanyang ma­kakalaban ay nakita at na­kaharap na  niya.

Nangyari ito noong su­mali ang 17-anyos shooter sa World Cup sa Munich noong Hunyo at sa Beijing noong Hulyo.

“We’ve been here for six days now but it’s still have to say what might happen here,” wika ni Arellano na produkto ng grassroots program na pinasimulan ni Nathaniel “Tac” Padilla.

Ang mga nakikitang matinding kalaban ni Arellano ay ang shooters ng host China, Italy, Hungary, Serbia at Japan.

Hindi rin kapos sa suporta ang shooter dahil mis­mong si Padilla ang na­ngangalaga sa kanya.

Ibinili siya ng baril ni Padilla habang hinihintay ang kagamitan mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

“He’s young and he has the skills to become a champion someday. He needs our support,” wika ni Padilla.

Kasama ni Arellano na naghahanda ay ang coach na si Julius Valdez at lalo pang tataas ang kanyang morale sa araw ng labanan dahil sa suportang ibibigay ng mga pangunahing sports officials sa pangu­nguna nina POC president Jose Cojuangco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia.

“I’m sure he’s (Arellano) eager to compete by now and give his best,” pahayag ni Cojuangco.

ARELLANO

CELDON JUDE ARELLANO

JOSE COJUANGCO JR.

JULIUS VALDEZ

PADILLA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

SA FANGSHAN SHOOTING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with