^

PSN Palaro

3 miyembro ng Grand Slam teams panauhin sa PBA Annual Awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masisilbing guest of honor at speaker ang tatlong miyembro ng Grand Slam teams mula sa iba’t ibang taon para sa 2014 PBA Press Corps Annual Awards Night sa Huwebes sa Richmond Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

Ikukuwento nina cage greats Fortunato ‘Atoy’ Co, Hector Calma at Jojo Lastimosa ang kanilang mga karanasan sa pagkumpleto ng three-conference sweep sa isang season para sa nasabing espesyal na okasyon na may temang ‘There Are Champions…and  There Are Grand Slam Champions!’

Ang San Mig Coffee Mixers ang pinakabagong koponang kumuha ng Grand Slam matapos ang 18 taon.

Si Co ang isa sa mga pambato ng Crispa Redmanizers team na nakakuha ng dalawang Grand Slams sa PBA history matapos noong 1976 sa ilalim ni le­gendary coach Virgilio ‘The Maestro’ Dalupan at noong 1983 sa paggiya ni Tommy Manotoc.

Naging chief point guard naman si Calma ng San Miguel Beer franchise na nagkampeon ng tatlong sunod noong 1989 mula sa paggiya ni Norman Black, habang si Lastimosa ang inasahan ni coach Tim Cone para sa Grand Slam ng Alaska noong 1996.

Ang tatlo ang makaka­sama ng mga scribes sa ilalim ni president Barry Pascua ng Bandera na nagkokober ng PBA beat sa pagpaparangal sa mga personalidad na nangibabaw sa nakaraang 39th season kasama ang mananalo ng Coach of the Year at Executive of the Year.

Unang idinaos noong 1993, ang PBAPC Awards Night ay suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra, San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee at Talk `N Text.

Hinirang si Marc Pingris bilang Defensive Player of the Year kasama ang kanyang mga San Mig Coffee teammates na sina Peter June Simon at Mark Barroca, tatanggap ng Quality Minutes at Order of Merit awards, ayon sa pagkaka­sunod.

ANG SAN MIG COFFEE MIXERS

AWARDS NIGHT

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BARRY PASCUA

BLACKWATER SPORTS

COACH OF THE YEAR

CRISPA REDMANIZERS

GRAND SLAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with