^

PSN Palaro

Kasiglahan at kasaysayan itatampok sa Nanjing 2014 Opening Ceremony coverage ng TV5

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang simple at eleganteng Opening Ceremony ang matutunghayan ng mga partisipante ng Nanjing 2014 Youth Olympic Games sa Nanjing Olympic Sports Center at isasaere sa Agosto 16 sa ganap na alas-8:30 ng gabi sa TV5, ang official Philippine Olympic Network.

Ang seremonya ay isang 90-minute program na magpapakita sa halos 5,000 performers na magtatampok sa ‘China  Dream’.

Kasama sa Opening Ceremony ang 500 professional dancers mula sa Nanjing Art Institute na magpapalabas ng creative dan­ces at 120 stuntmen buhat sa Tagou Martial Art School na gagawa ng sensational aerial stunts. Ipapakilala rin sa worldwide audience ang isang virtual TV innovation sa worldwide audience na may high-tech lighting at projection na magpapalit sa stadium sa isang makulay na fantasy space.

Ang 2nd Youth Olympic Games ang magpapakita sa mga talentadong batang atletang may edad 15 hanggang 18-anyos sa buong mundo. Ngayong taon ay halos 3,500 atleta ang kasali.

Kasama rito ang pitong Filipino na kakatawan sa Pilipinas.

Ito ay sina archer Gabriel Luis Moreno, ang magsisilbing flag bearer; Bianca Gotuaco ng archery; Ava Verdeflor ng gymnastics; runner Zion Nelson na lalahok sa 400m dash; swimmer Roxanne Yu; Celdon Arellano ng shooting; at triathlete Vicky Deldio.

Ang TV5, ang Philippine Olympic network, ang magbibigay ng komprehensibong pagpapalabas ng Nanjing 2014 Youth Olympic Games sa susunod na 12 araw. Kabuuang 28 events ang nakahanay sa sports meet.

Maaaring mapanood ang mga aksyon sa Ak­syonTV at HYPER, ang 24/7sports channel.

Ang Nanjing 2014 ay matutunghayan sa mga ta­hanan at mobile devices sa tulong ng PLDT Home Fibr, Smart at CignalTV.

vuukle comment

ANG NANJING

AVA VERDEFLOR

BIANCA GOTUACO

CELDON ARELLANO

GABRIEL LUIS MORENO

HOME FIBR

KASAMA

OPENING CEREMONY

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with