^

PSN Palaro

Pacman kayang pabagsakin si Algieri--Roach

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maraming nagsasabing magiging epektibo ang matutulis na jab ng 5-foot-10 na si Chris Algieri laban sa 5’6 na si Manny Pacquiao.

Ngunit ayon kay chief trainer Freddie Roach, hindi ito magiging problema para sa Filipino world eight-division champion na ilang beses nang nanalo sa mas matatangkad niyang kalaban.

“No it should be no problem for Pacquiao. It’s like night and day. He’s way above him,” wika ni Roach sa pa­nayam ng The Boxing Voice.

Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang suot na World Bo­xing Organization (WBO) welterweight crown kontra kay Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Ayon kay Roach, kung hindi mag-iingat si Algieri ay mapapabagsak siya ni Pacquiao, huling naka­pagpatigil ng kalaban no­ong Nobyembre 14, 2009 matapos pahintuin si Miguel Cotto sa 12th round.

“We’ll knock him out somewhere along the way,” paniniyak ni Roach.

Ito ang magiging pa­ngalawang laban ni Pacman ngayong taon matapos resbakan si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch noong Abril. (RC)

ALGIERI

BOXING VOICE

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

MIGUEL COTTO

NOBYEMBRE

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

WORLD BO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with