^

PSN Palaro

Double kill sa men’s at women’s chess team

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kambal na panalo ang kinuha ng men’s at wo­men’s chess team para umangat uli sa idinadaos na 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway noong Lunes.

Sina GMs John Paul Gomez at Jayson Gonzales ay umani ng panalo sa mga nakatunggali para pangunahan ang 3-1 panalo sa Pakistan habang mas mabangis na 3.5-0.5 panalo ang kinuha ng mga kababaihang chessers papasok sa huling dalawang rounds sa prestihiyosong kompetisyon sa chess.

Nanalo si Gomez kay IM Shahzad Mirza sa board 2 habang si Gonzales na napilitang maglaro dahil hindi nakarating si GM Oliver Barbosa bunga ng problema sa visa, ay nagwagi kay Mudasir Iqbal sa board 4.

Tumabla naman sina GM Julio Catalino Sadorra at IM Paul Bersamina kina IM Mahmood Lodhi at Ali Ahmad Syed sa Boards 1 at  3.

Sinuwerte pa si Gomez dahil napili siya para bigyan ng libreng pagbiyahe patungong Qatar para sumali sa Qatar Masters mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 5.

May kabuuang 10 puntos na ang Pilipinas sa men’s division para makasalo sa 54th puwesto.

Sina Janelle Mae Frayna, Catherine Perena at Christy Lamiel Bernales ay nanalo kina Olga Leticia Gamboa Alvarado, Lisseth Acevedo Mendez at Maria Jose Ramirez Gonzales para tulungan ang Pinay na makasalo sa 26th puwesto bitbit ang 11 puntos.

ALI AHMAD SYED

CATHERINE PERENA

CHESS OLYMPIAD

CHRISTY LAMIEL BERNALES

GOMEZ

JAYSON GONZALES

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CATALINO SADORRA

LISSETH ACEVEDO MENDEZ

MAHMOOD LODHI

MARIA JOSE RAMIREZ GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with