^

PSN Palaro

CEU mapapasabak agad sa St. Clare

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Centro Escolar Univesity ang pagdepensa sa titulo sa pagbangga sa matikas ding St. Clare sa pagsisimula ng 14th NAASCU men’s basketball ngayon sa Makati Coliseum, Makati City.

Ang laro ay mapapanood matapos ang ope­ning ceremony sa ganap na alas-9:30 ng umaga na kung saan sina POC chairman Tom Carrasco Jr., at GAB commissioner Fritz Gaston ang siyang mga guest speakers.

Si NAASCU chairman Dr. Jay Adalem ang maghahatid ng paunang pana­nalita habang ang bagong pangulo na si Dr.  Ray Adalem ng host St. Clare ang magsasagawa ng oath of office.

Isa rin sa aabangan sa seremonya ang ipakikitang  sayaw ng Saints dancers bukod sa tagisan para sa Mr. at Ms. NAASCU.

Gagawaran din ng pla­que of membership ang Rizal Technological University habang ang mga da­ting presidente ng liga na sina  Dr. Jay (2001-2013) at Dr. Vic Santos (2013-2014) ay bibigyan din ng award.

Si St. Clare player Jan Acebron ang mangunguna sa Oath of Sportsmanship habang si Dr. Ray ang siyang magdedeklara na bukas na ang aksyon sa basketball.

Bago ang opening ay magsusukatan muna ang  New Era at City University of Pasay sa ganap na alas-8 ng umaga habang ang ikatlo at huling laro ay sa hanay ng Our Lady of Fatima at Rizal Technological University.

CENTRO ESCOLAR UNIVESITY

CITY UNIVERSITY OF PASAY

DR. JAY

DR. JAY ADALEM

DR. RAY

DR. VIC SANTOS

FRITZ GASTON

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

ST. CLARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with