^

PSN Palaro

Pinoy sports heroes, tampok sa GMA News TV bukas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilalanin ang ilan sa mga personalidad na humubog sa lokal na larangan ng palakasan at nagbigay-karangalan sa bansa sa isang television special ng GMA News TV na pinamagatang “Gabi ng Pagpupugay.”

Ipapalabas ang special ngayong Linggo, August 10, sa ganap na alas-5 ng hapon sa GMA News TV Channel 11.

Kabilang sa mga atletang itatampok ay sina Antho­ny Villanueva, ang kauna-unahang Filipino Olympic medalist sa boxing noong 1964 Tokyo Olympics; Teofilo Yldefonso, ang unang Filipino Olympic medalist sa swimming sa 1928 Amsterdam Olympics; Pancho Villa, ang unang world boxing champion sa Asia; Eugene Torre, ang unang Grand Master ng chess sa Asia; Paeng Nepomuceno, three-time Guiness World Record holder at six-time World Bowling Champion at si Lydia de Vega, ang Asia’s sprint queen at two-time Olympian para sa track at siya ring kumatawan sa bansa noong 1984 Los Angeles Olympics at 1988 Seoul Olympics.

Bibigyang-karangalan sa “Gabi ng Pagpupugay” ang ilan sa mga pinakamahuhusay na atleta sa bansa sa kasalukuyan na naging bayani dahil sa kanilang pag­sisilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino.

AMSTERDAM OLYMPICS

EUGENE TORRE

FILIPINO OLYMPIC

GRAND MASTER

GUINESS WORLD RECORD

LOS ANGELES OLYMPICS

PAENG NEPOMUCENO

PAGPUPUGAY

PANCHO VILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with