^

PSN Palaro

Altas magsosolo sa No. 3 vs Knights

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

12 nn. Letran vs Perpetual Help (Jrs/Srs)

 

MANILA, Philippines - Magkaroon ng ma­la­kas na pagtatapos sa first round ang hanap ng Perpetual Help Atlas at magsisimula ito ngayon sa pagsukat sa Letran, Knights sa 90th NCAA men’s basketball ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang natatanging laro sa seniors ay magsisimula sa ganap na alas-2:30 ng   hapon at pagtatangkaan ng Altas ang makabalikwas agad mula sa 75-77 pagka­talo sa nagdedepensang kampeong San Beda Red Lions.

Ito na ang ikatlong pagkatalo sa huling apat na laro ng tropa ni coach Aric Del Rosario matapos buksan ang kampanya bitbit ang tatlong dikit na panalo para malagay sa ikaapat na pu­westo kasalo ang St. Be­nilde Blazers.

Sina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson at Harold Arboleda ang magtutulung-tulong para pabagsakin ang Knights na sa 2-5 karta ay nanga­ngailangan na maipanalo ang huling dalawang laro para gumanda ang puwesto sa standings.

Ang huling laro ng Altas ay laban sa nagpapasikat na Blazers habang ang Red Lions ang katunggali ng Letran sa huling asignatura sa unang ikutan. (AT)

ALTAS

ARIC DEL ROSARIO

EARL SCOTTIE THOMPSON

HAROLD ARBOLEDA

LARO NGAYON

LETRAN

PERPETUAL HELP

PERPETUAL HELP ATLAS

RED LIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with