^

PSN Palaro

Huling baraha itataya na nina Diaz, Torres

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatangka ngayon sina MarestellaTorres at Hidilyn Diaz para makasama sa Pambansang de­legasyon patungong Asian Games sa Incheon, Korea sa magkahiwalay na performance trials.

Kailangang sumalang sa huling pagsubok ang mga Olympians na sina Torres at Diaz dahil hindi pa nila naaabot ang Asian Games criteria na naitakda ng Task Force Asian Games sa pangunguna ni PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia.

Sa ganap na alas-9 ng umaga sa Ultra Track Oval ipakikita ni Torres ang pormang naghatid sa kanya ng SEA Games record sa long jump na 6.71-metro para maalpasan ang qualifying mark na 6.37m.

“She is our best bet for a medal in the Asian Games and we are hoping she will qualify,” pahayag ng bagong PATAFA president Philip na si Ella Juico.

Nanganak noong Ene­ro lamang, si Torres ay nakapaghatid na ng isang ginto at pilak na medalya na kanyang kinuha sa Hong Kong at Vietnam Athletics meet. Pero ang kanyang mga lundag na 6.26m at 6.14m ay kapos sa Asian Games qualifying standard.

Dakong alas-2 ng hapon sa Philippine Weightlifting Association (PWA) gym sasalang si Diaz at kailangan niyang ma­abot ang 225-kg total lift para isama sa delegasyon.

Ito ang  ikalawang pagkakataon na susubok si Diaz na maabot ang target lift na siyang naitala ng bronze medalist ng 2010 Guangzhou Asian Games.

Ang una ay nang­yari sa Philippine National Games noong Mayo pero nasa 215-kg lamang ang total niya na mababa pa kung ikukumpara sa ginawang 224-kg  noong 2013 Myanmar SEA Games.

ASIAN GAMES

CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

DIAZ

ELLA JUICO

GAMES

GUANGZHOU ASIAN GAMES

HIDILYN DIAZ

HONG KONG

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with