^

PSN Palaro

Batang Gilas sasagupain ang Angola ngayon

Pilipino Star Ngayon

DUBAI--Kaagad na makakaharap ng Team Philippine ang Angola sa pagdribol ng FIBA U17 World Championship nga­yon sa Al Ahli Arena.

Magtatapat ang Batang Gilas at ang Angolans, ang 11-time African cham­pions, ngayong alas-3:45 ng hapon (alas-7:45 ng gabi sa Manila).

Ang Angola ay may tatlong six-foot-nine players bukod pa sa ilang perimeter defenders.

Sinabi ni Batang Gilas coach Jamike Jarin na hindi sila takot makipagsabayan sa Angola matapos nilang talunin ang malalaking Iran, India at Kazakhstan sa nakaraang FIBA Asia U16 Championship sa Tehran noong nakaraang taon.

“The Angolans are big,” ani Jarin, inihatid ang Ateneo Blue Eaglets sa ilang titulo sa University Athletic Association of the Philippines juniors division.

Sina starters Richard Escoto, Mike Nieto, Paul Desiderio, Jolo Mendoza at Matt Nieto ang sasandigan ng Batang Gilas.

Gagamitin din ng kopo­nan ang kanilang bilis at outside shooting laban sa Angolans.

Matapos ang Angola, ang susunod na makaka­sagupa ng Batang Gilas ay ang Greece bukas bago ang kanilang pahinga sa Linggo at ang pagsabak sa United States sa Lunes.

Si 6’8 rebounder Silvio Sousa ang mangunguna sa depensa katuwang sina wingmen Joao Jungo at Avelino Do para sa Angola, nakakuha ng tiket sa torneo matapos talunin ang Egypt sa FIBA Africa U16 Championship sa Madagascar noong nakaraang taon.

 

AL AHLI ARENA

ANG ANGOLA

ATENEO BLUE EAGLETS

AVELINO DO

BATANG GILAS

JAMIKE JARIN

JOAO JUNGO

JOLO MENDOZA

MATT NIETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with