^

PSN Palaro

Lions nakatakas sa Altas

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 nn EAC vs JRU (Jrs/Srs)

4 p.m. St. Benilde

vs Arellano U (Srs/Jrs)

 

MANILA, Philippines - Nakatulong sa San Beda Red Lions ang pagkahugot kay Kyle Pascual matapos mawala si Ola Adeogun nang siya ang nagtrangko sa matibay na depensa sa huling 16.6 segundo para gabayan ang koponan sa 77-75 panalo sa Perpetual Help sa 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Isang offensive foul kay Juneric Baloria ang itinawag  kay Adeogun para mawala sa laro.

Si Pascual ang tinapik ni coach Boyet Fernandez at napabuti ito dahil nasupalpal niya ang malapitang buslo ni Harold Arboleda.

Nakuha pa ng Altas ang bola pero paubos na ang oras kaya’t minadali ni Joel Jolangcob ang pampanalong 3-point attempt na tumalbog lang sa ring.

“Hindi maganda ang finish namin pero ang ma­ganda ay naroon  ang de­­pensa namin,” ani Fernan­dez. “This is a morale boosting win heading into our game against Letran.”

Lamang lang ng isang puntos sa halftime, 39-38, nagtulong sina Baser Amer,  Anthony Semerad at Adeogun sa 18-2 run para iwanan ang Altas, 57-40.

Pero gumanti ang Altas ng sariling run sa pamama­gitan nina Baloria, Arboleda, Justine Alano at Earl Scottie Thompson para mauwi sa mahigpitang la­ban ang tagisan.

Ang follow-up ni Alano ang nagdikit sa Altas sa dalawang puntos pero hindi nila nakapitalisa ang break nang nabalik ang bola sa kanila para mabigyan ng pagkakataon ang mga pa­hingang St. Benilde Bla­zers at host Jose Rizal University Heavy Bombers na makasalo sa ikaapat na puwesto sa 4-3 baraha.

Tinapos ng Lyceum Pirates ang dalawang sunod na pagkatalo nang tuhugin ang San Sebastian Stags, 71-64, sa ikalawang laro.

Ikalimang panalo sa walong laro ito ng Pirates habang ikaapat na diretsong pagkatalo ito ng Baste para sa 3-5 baraha. 

(ATan/Merrowen Mendoza-trainee)

 San Beda 77- Amer 17, A. Semerad 14, Dela Cruz 12, Adeogun 11, Sara 7, Mendoza 6, Pascual 4, Tongco 4, D. Semerad 2, Koga 0.

Perpetual Help 75- Baloria 21, Arboleda 17, Alano 16, Thompson 10, Dizon 4, Jolangcob 4, Dagangon 3.

Quarterscores: 19-11; 39-38; 65-56; 77-75.

Lyceum 71- Baltazar 18, Gabayni 14, Mbbida 13, Lesmoras 10, Maconocido 5, Taladua 3, Malabanan 2, Ko 2, Soliman 0, Bulawan 0.

San Sebastian 64- Guinto 22, Perez 13, dela Cruz 6, Camasura 6, Pretta 6, Balucanag 4, Calisaan 2, Fabian 2, Yong 2, Aquino 1, Ortuoste 0, Costelo 0.

Quarterscores: 12-18; 31-28; 56-42; 71-64

ADEOGUN

ALANO

ALTAS

ANTHONY SEMERAD

ARBOLEDA

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with