^

PSN Palaro

Bersamina itinulak ang Team Phl sa 2-2 draw vs Bosnia Herzegovina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniligtas ni rookie Paulo Bersamina ang kampan­ya ng Team Philippines na nakapu­wersa ng 2-2 draw sa Bosnia Herzegovina, habang tinalo ng women’s squad ang International Chess Committee of the Deaf, 3.5-.5, sa 41st World Chess Olympiad sa Tromso, Norway noong Linggo ng gabi.

Isang last-minute replacement para kay Wesley So na piniling maging coach ng American men’s team, ginamit ng 16-anyos na si Bersamina ang dalawa niyang bishops para talunin si FIDE Master Dejan Marjanovic sa 50 moves ng isang King’s Indian Defense.

Nagtabla naman ang laro nina Grandmaster Julio Catalino Sadorra at GM Borki Predojevic sa isang 51-move ng French transposed.

Nakipaghati ng puntos si GM Eugene Torre okay International Master Denis Kadric sa 45 moves ng isang Pirc Defense.

Ang tanging nabigo ay si GM John Paul Gomez na nawala sa Accelerated Dragon variation ng Sicilian na sinamantala ni GM Dalibor Stojanovic sa 37 moves.

Lalabanan ng mga Filipino, nasa 12-team logjam para sa 20th place, si da­ting World Challenger GM Vassily Ivanchuk at ang second-seeded na Ukranians sa third round.

Ipinagpatuloy naman ng women’s squad ang kanilang arangkada nang manalo sina Cheradine Camacho, Janelle Mae Frayna at Jan Jodilyn Fronda laban kina Tatiana Baklanova, Annegret Mucha at Natalya Myronenko, ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ni Camacho, estudyante ni dating Olympiad veteran at kilalang trainer na si Rodolfo Tan Cardoso, si Baklanova sa 54-move ng kanilang French battle.

Katabla ng mga Filipina sa unahan ang 31 pang bansa kasama ang top seed na China at defen­ding champion na Russia sa magkakatulad nilang 4.0 points.

Susunod nilang lalaba­nan ang eighth seed Po­land.

ANNEGRET MUCHA

BORKI PREDOJEVIC

BOSNIA HERZEGOVINA

CHERADINE CAMACHO

DALIBOR STOJANOVIC

EUGENE TORRE

GRANDMASTER JULIO CATALINO SADORRA

INDIAN DEFENSE

INTERNATIONAL CHESS COMMITTEE OF THE DEAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with