^

PSN Palaro

46 na ang aplikante sa PBA Draft

QHenson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 46 na ang bilang ng mga aspirante, kasama ang 15 Fil-foreign players, at posibleng umabot ito sa 50 sa pagsapit ng Aug. 13 deadline para sa PBA rookie lottery sa Agosto 24 sa Robinson’s Manila.

Wala sa grupo sina Gilas cadet players Kevin Alas, Garvo Lanete, Ronald Pascual, Matt Ganuelas at Jake Pascual.

Sinabi ng isang source na dalawa sa NLEX Road Warriors ay maaaring su­mali sa draft.

Ang 26-anyos na si Pascual ang sinasabing sigurado nang lalahok sa draft dahil nagsumite na ito ng kanyang aplikasyon, ngunit umatras ang San Sebastian standout noong 2012 para sumama sa Gilas cadets pool.

Ang varsity teammates ni Pascual na sina Calvin Abueva at Ian Sangalang ay naglalaro na sa PBA.

Sinabi ng source na may tatlong first round pick ang NLEX, bumili sa Air21 franchise, sa 2015 draft at maaaring kunin ang iba pang Road Warriors kung gagamitin ang mga ito.

Samantala, si WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang pina­kamatandang aplikante sa edad na 35-anyos.

Subalit hindi siya ang pinakamaliit o pinakama­gaang sa mga draft applicants.

Si Pacquiao ay 5-6 1/2 at kalahating pulgadang mas malaki sa draft candidate na si Jeff Montemayor ng Jose Rizal University.

May bigat siyang welterweight limit na 147 na mas mabigat sa 135 na si Technological University of the Philippines guard Allan Tria,

Si Pacquiao ay inaasahang kukunin ng Kia Motors na bitbit ang 11th overall slot sa first round.

Kabilang din sa rookie draft ang pinsan ni Pacquiao na si Rene.

Ang 27-anyos at 6-5 forward mula sa Southwestern University ay kumampanya para sa Hog’s Breath sa PBA D-League.

Ang iba pang maaa­ring makuha sa draft list ay sina Jericho Cruz at Rodney Brondial ng Adam­son, Clark Bautista ng UST, Ralf Olivares ng UE, Jovet Mendoza ng La Salle at Gab Banal ng Mapua.

May nagsasabing ma-a­aring sumali si da­ting NU star Bobby Ray Parks sa draft.

Nagtungo siya sa US camps matapos maglaro sa nakaraang PBA D-League conference at dalawang beses na inimbitahang maki­pag-ensayo sa Los Angeles Lakers.

ALLAN TRIA

BOBBY RAY PARKS

CALVIN ABUEVA

CLARK BAUTISTA

D-LEAGUE

DRAFT

ROAD WARRIORS

SHY

SI PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with