^

PSN Palaro

George sumailalim sa surgery; 18 buwan hindi makakalaro

Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS - Naging matagumpay ang isinagawang surgery kay Indiana Pacers All-Star Paul George para sa kanyang nabaling kanang binti.

Ang 6-foot-9 na si George ay naasahang mananatili sa ospital ng tatlong araw.

Isinagawa ang operasyon sa 6-foot-9 na si George sa Sunrise Hospital para ayusin ang bumukang tibia-fibula fracture, ayon sa USA Basketball sa isang statement.

Nabali ang kanang binti ni George sa intra-squad scrim­mage ng U.S. national team noong Biyernes kung sa­an tinangka niyang supalpalin ang fast-break layup ni James Harden sa 9:33 minuto sa fourth quarter.

Sa kanyang pagbagsak ay tumama ang kanyang ka­nang binti sa backboard stanchion.

Sumaklolo ang mga trainers at matapos ang 10 mi­nuto ay dinala si George sa isang stretcher.

Sa pagkabigla ng mga players ay inihayag ni head coach Mike Krzyzewski sa mga manonood na hindi na tatapusin ang scrimmage bilang respeto kay George at sa kanyang pamilya.

Naglabas si Larry Bird, ang Pacers president of basketball operations, ng isang updated statement tungkol kay George.

‘’We are hopeful at some point next week Paul will return to Indianapolis to continue his recovery,’’ wika ni Bird. ‘’There is no question about the impact on our team but our goal is to be as strong-willed and determined as Paul will be in coming back. Our franchise has had setbacks in its history but has demonstrated the abilities to recover. Paul will provide the example of that off the court and it is up to the rest of us to provide that example on the court. Any discussion regarding the future of our team would be inappropriate at this time. Our focus is solely on Paul and doing whatever we can to help.’’

Ayon sa mga duktor, aabutin ng 18 buwan bago ang full recovery ni George.

Si George ay kasama sa training pool ng Team USA na sasabak sa FIBA-World Cup sa Spain.

AYON

GEORGE

INDIANA PACERS ALL-STAR PAUL GEORGE

JAMES HARDEN

LARRY BIRD

MIKE KRZYZEWSKI

SI GEORGE

SUNRISE HOSPITAL

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with