^

PSN Palaro

Tall order

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Si Japeth Aguilar ang napiling mag-bitbit ng ating bandila sa opening ceremony ng Asian Games itong darating na Setyembre sa Incheon, South Korea.

Maraming pwedeng pag-pilian. Pero bakit si Japeth ang napili?

Bakit naman hindi.

Purong Pinoy si Japeth. Walang halo.

At sa taas niya na 6’9” ay puwede siyang mangi­ba­baw sa parada at itaas ng husto ang bandila natin.

‘Wag lang gumamit ng higanteng flag-bearer ang ibang  bansa ay tiyak na mangingibabaw tayo sa pa­rada sa papalapit na Asian Games.

Special na role ang maging flag-bearer sa parada at ilan lang sa mga gumanap ng trabahong ito sa Asian Games ay sina Paeng Nepomuceno at si Mikee Cojuangco.

Kung nakalimutan n’yo na, si Manny Pacquiao ang nagbitbit ng ating bandila sa 2008 Beijing Olympics. At sa 2012 London Olympics ang weightlifter na si Hidilyn Diaz ang napili.

Hindi naman siguro tatanggi  si Japeth sa trabahong binigay sa kanya.

Once-in-a-lifetime ang pagkakataon na ito. Hindi na mauulit kaya kung ako kay  Japeth, ngayon pa lang ay ipapa-alam ko na payag ako.

Matagal nang nasabi ng hepe ng ating delegasyon sa Asian Games na si Richie Garcia ng Philippine Sports Commission na isa sa mga Gilas players ang gusto nilang flag-bearer.

Unang-una, talagang maganda ang pinakita ng Gilas sa nakalipas na FIBA Asia Championship at pangalawa, maganda talaga ang tsansa nila na manalo ng ginto sa Asian Games.

Nandiyan ang Iran, China at South Korea. Pero kung masasamahan tayo ng suwerte ay kaya natin ito talunin para sa gold medal.

In case raw na hindi puwede si Japeth, si June Mar Fajardo ang papalit sa kanya.

At bakit naman si June Mar?

Bakit naman hindi.

 

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIAN GAMES

BAKIT

BEIJING OLYMPICS

HIDILYN DIAZ

JAPETH

JUNE MAR

JUNE MAR FAJARDO

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with