^

PSN Palaro

Cagayan sumalo sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si Japeth Aguilar ng Gilas Pilipinas ang napili ni Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia para siyang maging flag bea­rer ng Pambansang de­legasyon sa Incheon, Korea.

Nagsagawa ng sariling survey si Garcia at lumabas na marami ang pabor na ang 6’9 manlalaro rin ng Ba­rangay Ginebra ang siyang magdala ng bandila ng bansa sa opening ce­remony sa Setyembre 19.

“I asked around and Japeth’s name kept on coming up. I think he is de­serving to be our flag bearer,” wika ni Garcia na siya ring chairman ng Phi­lippine Sports Commission (PSC).

Si Aguilar ay nasa US kasama ang buong kopo­nan para magsanay hindi lamang para sa 17th Asian Games kundi para sa pag­lahok din ng bansa sa FIBA World Cup sa Spain mula Agosto 30 hanggang Set­yembre 14.

Sa koponan ng basketball kumuha si Garcia ng magiging flag bearer bilang pagkilala sa naabot na silver medal sa FIBA Asia Men’s Championship noong 2013 na ginawa sa Pilipinas.

Dahil sa medalyang ito, ang Pilipinas ay makaka­laro uli sa FIBA World Cup na huling nangyari noon pang 1978 nang ito ay gina­wa sa bansa.

Ang Pambansang de­legasyon ay bubuuin ng 152 atleta na magbabalak na higitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medal na naiuwi sa 2010 Guangzhou China Games.

 

ANG PAMBANSANG

ASIA MEN

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

GARCIA

GILAS PILIPINAS

GUANGZHOU CHINA GAMES

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with