^

PSN Palaro

Cagayan ikakamada ang 3-way tie vs Ateneo

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  UP vs PNP

4 p.m. Cagayan vs Ateneo
 

MANILA, Philippines - Wakasan ang aksyon sa elimination round bitbit ang apat na sunod na panalo ang nais gawin ng nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns sa pagharap sa Ateneo Lady Eagles sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito na ang huling araw ng elims sa ligang inorga­nisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s at suportado pa ng Accel at Mikasa at ang makukuhang panalo ng Cagayan sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon ay magtutulak sa koponan na ma­kasama sa mga nangu­ngunang teams.

Ang pahingang PLDT Home Telpad Turbo Boos­ters at Army Lady Troopers ang magkasalo ngayon sa liderato bitbit ang 4-1 karta.

Mahalagang maipanalo pa ng Lady Rising Suns ang larong ito dahil bibitbitin ng anim na koponan ang karta sa quarterfinals.

Ang apat na koponan na may pinakamagandang baraha matapos ang round  robin ang maglalaban sa semifinals.

May 2-4 baraha ang UAAP champion Ateneo at kailangan din nila ng panalo para hindi masyadong lumayo ang mga na­ngungunang koponan at tumibay pa ang hanga­ring makaabot sa Final Four.

Galing sa mapait na five-sets pagkatalo ang Lady Eagles sa kamay ng Lady Troopers noong Martes at kailangang alisin na sa isipan ng bawat manlalaro ang nangyari para mahigitan ang hamong hatid ng nagdedepensang kampeon.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay ang pagkikita ng UP Lady Maroons at PNP Lady Patrollers at paglalabanan nila ang unang panalo matapos matalo sa naunang anim na laro. (AT)

vuukle comment

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

FINAL FOUR

HOME TELPAD TURBO BOOS

LADY

LADY EAGLES

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with