^

PSN Palaro

Wrong stand

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Isang linggo na ang lumipas matapos ang kaguluhan na naganap sa “Last Home Stand” na dapat sana ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang grupo ng NBA players sa isang exhibition game.

Ano nga ba ang nangyari at walang larong naganap?

Dismayado ang mga fans, ilan ay nanggaling pa sa malayong lugar at gumastos ng malaking halaga makita lang ang mga NBA players in action.

Nagsimula ang problema nang hindi dumating sila Blake Griffin at Paul George. Sila ang dahilan kung bakit nagkahalaga ng P23,000 ang upuan sa ringside.

Okay pa rin sana. Pero nang i-announce sa Araneta Coliseum na walang larong magaganap, dito na natorete ang utak ng mga tao.

Ayon sa organizers,  wala naman silang sinabi na may larong magaganap. Mahirap tanggapin dahil paulit-ulit na sinabi ng mga miyembro ng Gilas na excited silang makalaro ang NBA players.

Magiging magandang pagsubok daw ito sa kanila habang palapit na ang FIBA World Championship sa Spain.

Sa halip na maglaro, nag-practice na lang sila sa harap ng mga fans.

Dunk dito, dunk dun. May nag-tumbling pa sa ere.

Hindi plantsado ang event at binawalan ng NBA ang mga players nila na maglaro rito. Nagkulang sila sa clearance.

Pero matapang na hinarap ni Manny V. Pangi­linan  ang madlang people kahit na siguradong nag­hihimutok siya sa galit. Siya ang nag-sorry.

Sino ang may kasalanan? Alam na natin kung sino ang naloko. Ang publiko at maging si MVP  na mismo.

Sino ang nanloko?

Mahirap magsalita. Maraming kumakalat na tsismis. Pero kung wala ka naman nakita sa sariling mong mga mata ay quiet ka na lang.

‘Wag na sanang ma­ulit ito dahil maraming tao na naghangad lang na makapagbigay ng ligaya sa Pinoy fans ang napahiya.

Isa na rito si MVP.

ARANETA COLISEUM

BLAKE GRIFFIN

GILAS PILIPINAS

LAST HOME STAND

MAHIRAP

MANNY V

PAUL GEORGE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with