^

PSN Palaro

MLL reresbak sa 2014 World Series

Merrowen Mendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung ang mga record ang pagbabasehan, kum­pi­yansa si Manila Little Lea­gue president Rafael Borromeo na maganda ang kampanya ng kanyang tropa sa darating na Big League Softball World Series na gaganapin sa Agosto 3-9 sa Lower Sussex Little League Complex, Roxana Delaware.

“Mas malakas ngayon kung mabubuo kami,” pahayag ni Borromeo hinggil sa estado ng koponan dahil apat sa kanyang players na sina Lovely Dyanne Arago, Cristy Joy Roa, Mary Anne Antolihao at Roxzel Pearl Miloban kasama ang assistant coach na si Jason Santos ang hindi pa tumutulak sa Delaware para makapag-ensayo dahil sa problemang teknikal ngayon ng US Embassy.

Hindi man pinalad no­ong 2013 ang Philippine Softball team, umaasang makikipagpatayan ulit ang grupo para mabawi uli ang kampeonato.

Huling nakopo ng bansa ang titulo noong 2012 edisyon sa Kalamazoo.

Ang koponang magba­bandera sa Pilipinas na kakatawan sa Asia Pacific ay binubuo ng apat na beterano at 12 rookies mula sa University of the East, Adamson University, NU at University of Santo Tomas.

ADAMSON UNIVERSITY

ASIA PACIFIC

BIG LEAGUE SOFTBALL WORLD SERIES

CRISTY JOY ROA

JASON SANTOS

LOVELY DYANNE ARAGO

LOWER SUSSEX LITTLE LEAGUE COMPLEX

MANILA LITTLE LEA

MARY ANNE ANTOLIHAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with