Pirates nagsolo sa no. 4
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
12 nn Arellano U
vs Perpetual Help (Jrs)
2:30 p.m. Arellano U
vs Perpetual Help (Srs)
MANILA, Philippines - Malakas na pagtatapos ang sinandalan ng Lyceum Pirates para masolo ang ikaapat na puwesto nang padapain ang Emilio Aguinaldo College Generals, 73-67, sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Naghatid ng siyam na puntos si Wilson Baltazar para pangunahan ang pagbangon ng Pirates mula sa 49-55 iskor matapos ang ikatlong yugto.
May nangungunang 20 puntos si Baltazar habang sina Dexter Zamora at Joseph Gabayni ay may 15 at 14 puntos. May 11 rebounds at tatlong blocks pa si Gabayni upang umangat ang tropa ni coach Bonnie Tan sa 4-2 karta.
Malaking papel rin ang ibinigay ng beteranong si Zamora na siyang bumasag sa huling tabla sa 67-all at humablot ng krusyal na defensive rebound sa sumunod na play mula sa mintis ni Jan Jamon.
“Nananalo kami dahil naroroon ang determinasyon ng mga players,” wika ni Tan na nakuha rin ikatlong sunod na panalo sa liga.
May 18 puntos si Noube Happy para sa Generals na tinamo ang ikaapat na sunod na pagkatalo upang makapantay ang Letran Knights sa ikawalo at siyam na puwesto sa sampung koponang liga.
Naiwanan pa ang Generals ng St. Benilde Blazers sa standing dahil sinungkit ng huli ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 79-72 desisyon sa Mapua Cardinals sa unang laro.
May career-high na 26 puntos si Romero at lima ang kanyang ambag sa pamatay na 11-5 bomba para madugtungan ang 85-71 panalo sa Letran Knights noong Lunes.
Panuportang 17 puntos ang ibinigay pa ni Jonathan Grey upang maisantabi ang pagbangon ng Cardinals mula sa 18 puntos at maipalasap sa Mapua ang kanilang ikaanim na sunod na kabiguan. (ATan)
(ATan/Merrowen Mendoza-trainee)
St. Benilde 79 – Romero 26, Grey 17, Sinco 8, Taha 8, Bartolo 8, Argamino 5, Jonson 3, Mercado 3, Ongteco 1, Nayve 0, Deles 0.
Mapua 72 – Gabo 16, Isit 14, Saitanan 14, Eriobu 13, Estrella 8, Biteng 2, Layug 2, Cantos 2, Villasenor 1.
Quarterscores: 23-17, 39-31, 61-50, 79-72.
Lyceum 73 – Baltazar 20, Zamora 15, Gabayni 14, Mbida 8, Bulawan 8, Maconocido 4, Malabanan 2, Taladua 2, Soliman 0.
Emilio Aguinaldo 67 – Happi 18, Tayongtong 13, Arquero 10, Aguilar 7, King 7, Serrano 6, Onwubere 5, Jamon 3, Santos 0, Mejos 0, Pascual 0.
Quarterscores: 11-19, 35-35, 49-55, 73-67.
- Latest