^

PSN Palaro

Para pag-aralan ang Senegal tulong ng African coach hiningi ni Reyes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng tulong si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa isang kakilalang African coach para bigyan siya ng kaalaman sa laro ng Senegal.

Ang Senegal ay kasama ng Pilipinas sa Group B sa FIBA World Cup sa Spain at ang nasabing koponan ang siyang puwedeng talunin ng Nationals para tumatag ang hangaring makalaro sa knockout round.

“I’ve asked a coach coaching in Africa to come over and help us. I make sure I have ample European, South American and African help in the competition,” wika ni Reyes.

Ang Argentina, Greece, Croatia at Puerto Rico ang kukumpleto sa Group B at para umabante ang Pilipinas ay dapat silang manalo sa dalawang laro.

Hiningian din ng tulong ni Reyes si New Zealand coach Tab Baldwin habang ang Miami Heat coach na si Eric Spoelstra ay bibisita rin sa pagsasanay ng Pambansang koponan sa Miami.

“I am a coach who isn’t ashamed to ask for help. I approached these coaches and I really asked help. Hindi tayo magkukulang diyan,” wika pa ni Reyes.

Ang Gilas Pilipinas ay tumulak na kahapon patu­ngong Miami para sa 11 araw na training camp na gagawin sa Marriott Marquis Hotel.

“We’ve been informed that coach Spo won’t be able to visit Manila as previously scheduled late this month to attend to player negotiations. That may mean coach Spo will be in Miami when the team is in town. It would be inspiring if coach Spo could stop by and speak to our team even for a few minutes,” pahayag ni Gilas team manager Aboy Castro.

Sa Camp na ito makaka­sama ng koponan ang ba­gong naturalized player na si Andray Blatche na tinatapos din ang negosasyon para sa bagong kontrata sa Brooklyn Nets.

“We’re all excited to welcome Andray to practice,” dagdag ni Castro.

ABOY CASTRO

ANDRAY BLATCHE

ANG ARGENTINA

ANG GILAS PILIPINAS

ANG SENEGAL

COACH

GROUP B

REYES

SPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with