^

PSN Palaro

Fonacier nagpaalam na kay Reyes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos dalawang taon nang naglalaro si Larry Fonacier na may iniindang foot at back injury.

At dahil na rin sa kanyang dedikasyon bilang miyembro ng Gilas Pilipinas ay pilit niya itong kinakaya.

Ngunit kahapon ay opis­yal nang nagpaalam ang 6-foot-2 shooting guard kay head coach Chot Reyes bilang miyembro ng Gilas Pilipinas na nakatakdang sumabak sa mas mabibigat na FIBA World Cup sa Spain at sa Asian Games sa Incheon, Korea.

“Unknown to many, Larry has been playing through a variety of foot and back injuries that have bothered him the past two years; and it is only his great dedication that has prevented him from taking anytime off,” wika ni Reyes kay Fonacier.

Idinagdag ni Reyes na lubhang nakaapekto kay Fonacier ang walang hum­pay na pagsasanay at paglalaro para sa Gilas Pilipinas at sa Talk ‘N Text.

“However, the rigors of playing almost non-stop in the PBA and national team for the past three years has taken its toll, leaving Larry with no recourse but to accede to his doctors’ orders for complete rest and rehabilitation. We will definitely miss Larry’s quiet leadership and unyielding heart,” ani Reyes sa dating Blu Eagle ng Ateneo.

Isa ang tinaguriang ‘The Baby Face Assasin’ sa mga nakatulong sa pagsungkit ng Nationals sa tiket patungo aa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Sa pagkawala ni Fonacier ay maaaring pumili si Reyes kina training pool members Paul Lee, Beau Belga, Jay Washintgon at Jared Dillinger bilang kapalit nito sa Gilas Pilipinas.

Nakatakdang magtungo ang tropa sa Miami, Florida para sa kanilang training camp na nakatakda sa Agosto 1-4.

 

ASIAN GAMES

BABY FACE ASSASIN

BEAU BELGA

BLU EAGLE

CHOT REYES

FONACIER

GILAS PILIPINAS

JARED DILLINGER

REYES

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with