Love sinusulot ng Bulls sa Timberwolves
MANILA, Philippines - Ang pag-uusap ng Chicago Bulls at ng Minnesota Timberwolves kaugnay kay forward Kevin Love ang magpapagulo sa binubuong ‘Big Three’ sa Cleveland.
Inaalok ng Cavaliers ang No. 1 overall draft pick na sina Andrew Wiggins at 2013 top pick Anthony Bennett para makuha si Love mula sa Timberwolves.
Ngunit hindi pa nawawala sa eksena ang Bulls, ayon sa ESPN.
Ang ilan sa magiging trade options ng Bulls ay sina dating first-round picks Taj Gibson at Jimmy Butler.
Hindi rin malaman kung pakakawalan ng Chicago si sweet-shooting forward Doug McDermott.
Ang Cleveland at Minnesota ay matagal nang nag-uusap sapul nang kunin ng Cavaliers si LeBron James.
Sinasabing kinausap ni James si Love dahil isinasama ng Cavaliers si Wiggins sa isang posibleng deal.
Samantala, magbabalik sina Donald at Shelly Sterling sa korte para ipagpatuloy ang pagdinig hinggil sa kapalaran ng Los Angeles Clippers.
Sinabi ni Clippers interim CEO Richard Parsons na hindi na babalik si coach Doc Rivers para sa darating na season kung patuloy ang pagmamay-ari ni Donald Sterling sa Clippers.
Ayon kay Parsons, ang patuloy na presensya ni Donald Sterling ang magpapalayo sa mga sponsors sa koponan.
- Latest