^

PSN Palaro

Phl team sa Olympiad kayang pumasok sa Top 20

RCadayona /MMendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagama’t hindi na mag­lalaro si Grand Master Wesley So, pipilitin ng Philippine Team na makapasok sa Top 20 sa dara­ting na 41st World Chess Olympiad sa Agosto 1-14 sa Tromso, Norway.

“We’re still hoping that we’ll land in the Top 20,” sabi kahapon ni National Chess Federation of the Philippines executive director GM Jayson Gonzales sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate.

Matatandaang lumipat ang 20-anyos na si So sa United States Chess Federation matapos magtampo sa NCFP, Philippine Sports Commission at Phi­lippine Olympic Committee.

Ito ay dahil sa hindi kinilala ng NCFP, PSC at ng POC ang kanyang pagsikwat sa gold medal sa World University Games.

Kamakailan ay naka­kuha ang NCFP ng liham mula sa FIDE, ang interna­tional chess body, ukol sa paglipat ni So sa USCF kung saan siya tumata­yong assistant coach ng US Team.

Naglaro si So sa apat na World Olympiad mula 2006 at sa huling tatlong edisyon noong 2008, 2010 at  2012 ay hindi siya natalo sa Board One.

Sa pagbibida ni So, tu­mapos ang bansa sa No. 21 sa Chess Olympiad no­ong 2012 sa Istanbul, Turkey mula sa 6 wins, 2 draws at 3 loss.  Ang papalit kay So sa Board One sa 2014 Olympiad ay si GM Julio Catalino Sadorra.

Ang US based na si GM Oliver Barbosa ang magla­laro sa Board Two, si GM John Paul Gomez sa Board Three at ang 63-anyos na si GM Eugene Torre, naghari sa 2014 Battle of the GMs, sa Board Four.

BOARD FOUR

BOARD ONE

BOARD THREE

BOARD TWO

CHESS OLYMPIAD

EUGENE TORRE

GRAND MASTER WESLEY SO

JAYSON GONZALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with