Pedrosa, Barredo wagi sa Luzon leg ng Sun Cellular netfest
MANILA, Philippines - Binigo nina national junior team Ross Leenard Pedrosa at Sarah Joy Barredo ang kanilang mga karibal para angkinin ang singles title ng 1st Sun Cellular-Ming Ramos National Juniors Badminton Tournament Luzon Leg sa Powersmash Badminton Center sa Makati City.
Sinikwat ni Pedrosa ang boys’ 19-under singles crown matapos talunin si national player Frell Keeyan Gabuelo, 21-14, 21-18, habang pinayukod ni Barredo si Aldreen Rae Concepcion, 20-22, 21-15, 21-11, para sa girls’ 19-under singles trophy.
Pinayukod naman ni Fides Joven Bagasbas ng Whackers si Emilio Ma-ngubat Jr. sa finals ng boys’ 17-under singles class via walkover para iuwi ang titulo.
Inangkin ni Chanelle Lunod ang 17-under singles crown matapos daigin si Janelle Anne Andres, 21-18, 13-21, 21-13.
Ang torneo ay suportado ng Sun Cellular, SMART Communications, Manny V. Pangilinan (MVP) Sports Foundation, Philippine Badminton Association Smash Pilipinas at Babolat.
Dinomina ni Jewel Angelo Albo ng Team JB si Ian Maui Santos Jr. sa championship round ng boys’ 15-under title, 9-21, 21-16, 21-12, at tinalo si Charles Alcarpio ng MSI Jr., 21-11 21-7, para sa boys’ 13-under singles division.
Ang torneo ay may basbas ng Philippine Badminton Association (PBA) at ng Philippine National Ranking System (PNRS).
- Latest