^

PSN Palaro

Dapudong idedepensa ang IBO belt vs African boxer

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patutunayan ni Edrin Da­pudong na kaya niya ang hamon ng mga South African boxers kahit ang laban ay gawin pa sa kanilang lugar sa pagharap kay Lwandile Stiyatha upang idepensa ang hawak na IBO World super flyweight title ngayon.

Sa East London Convention Center gagawin ang title fight at nais ng 27-anyos Filipino champion na maulit ang ginawa halos isang taon na ang na­kalipas.

Noong Hunyo 15, 2013 ay nasa Emperors Place, Kempton Park, Gauteng, South Africa si Dapudong at naipakita niya ang angking bangis nang patulugin ang dating kampeon na si Gideon Buthelezi  sa second round.

Ipinakita ng boksi­nge­rong tinaguriang “The Sting” dahil may kagat ang bawat suntok na pinakakawalan nito, na kondis­yon siya sa title fight na ito matapos tumimbang sa 114.4 pounds sa weigh-in kahapon.

Ang weight limit ay 115 pounds at si Stiyatha ay pumasok sa mas magaan na 114.1 pounds.

Tulad ni Dapudong, determinado rin si Stiyatha na manalo para maipaghiganti kahit paano ang masakit na pagkatalo ng kababayan na si Buthelezi.

May 16 panalo sa 20 laban si Stiyatha ngunit mas malaki siya ng kaunti kay Dapudong at tiyak na sasandal sa suporta ng mga kababayan.

Bukod sa lakas ng mag­kabilang kamao, aasahan ni Dapudong ang kanyang karanasan sa ring na nakuha sa 34 laban at 29 rito ay kanyang naipanalo at 17 sa mga ito ay natapos ng maaga sa takdang laban. (ATan)

DAPUDONG

EDRIN DA

EMPERORS PLACE

GIDEON BUTHELEZI

KEMPTON PARK

LWANDILE STIYATHA

NOONG HUNYO

SA EAST LONDON CONVENTION CENTER

STIYATHA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->