^

PSN Palaro

PLDT Poomsae tourney sisipa sa July 19-20

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa 1,500 jins ang sasali sa 2014 PLDT Home Bro National Taekwondo Poomsae Championships sa Hulyo 19 at 20 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang kompetisyon ay bukas sa apat na events na individual colored belts, blackbelts, free style at synchronized poomsae.

Ang mga kategorya na paglalabanan ay edad na 8-11 Children, 12-14 Cadet, 15-17 Juniors at 18-above Seniors.

Manggagaling ang mga kasali sa iba’t ibang region tulad ng ARMM, CAR, CARAGA at NCR bukod sa mga taekwondo clubs na Powerflex, Ateneo, San Sebastian College, UP, San Beda College, Del La Salle Zobel, DLSU, More Than Medals, Korean Taekwondo  Committee (KTC), Team Baguio, Pangasinan, Cebu, Bulacan, Nueva Ecija, UTA-Tigers, PNP at AFP.

Ang Poomsae ay isang non-contact event na nagpapakita ng attacks at defense techniques laban sa di nakikitang kalaban.

Nagagawa ito gamit ang kaalaman sa basic, tamang paghinga, balanse at konsentrasyon.

Ang Pilipinas ay kilala rin bilang isa sa mahusay na bansa sa poomsae sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.

Sumusuporta pa sa da­­lawang araw na event ay ang SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco, MILO at Philippine Sports Commission (PSC).

vuukle comment

ANG PILIPINAS

ANG POOMSAE

COMMUNICATIONS INC

DEL LA SALLE ZOBEL

HOME BRO NATIONAL TAEKWONDO POOMSAE CHAMPIONSHIPS

KOREAN TAEKWONDO

MORE THAN MEDALS

NINOY AQUINO STADIUM

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with