Alcala, Gadi babandera sa Smart Nat’l Open badminton tourney
MANILA, Philippines - Ang mga national players na sina Antonino Benjamin Gadi at Malvinne “Poca” Alcala ang mangunguna sa mga sasali sa SMART National Open Badminton Tournament ngayon sa Powersmash Badminton Center sa Chino Roces Avenue, Makati City.
Sina John Kenneth Monterubio, Kevin Dalisay, Rabbie Jason Oba-ob, Michael Kevin Cudiamat, Owen Lopez at Sean Kevin Chan ang iba pang sasali sa men’s singles open division.
Makakasama naman ni Alcala sa kababaihan ang beteranang si Gelita Castillo at mga national players na sina Airah Mae Nicole Albo, Lili Wang, Janine Peligrino at Sarah Joy Barreda na kasapi ng junior team,.
Si Smart Telecommunication chairman Manny V. Pangilinan ang pangunahing tagapag-taguyod sa kompetisyon na may basbas pa ng Philippine Badminton Association (PBA) at ito ay bahagi ng Philippine National Ranking System (PNRS).
Ang PBA president at Vice President ng bansa na si Jejomar Binay ay makakasama ni PBA chairman Pangilinan at PBA secretary-general Congressman Albee Benitez sa opening ceremony.
- Latest