Bosh tatanggap ng $118M sa 5-taong kontrata sa Heat
MANILA, Philippines - Sa nakaraang apat na taon ay naging komportable ang pamilya ni Chris Bosh sa South Florida.
At kahit na may naghihintay na offer sheet mula sa Houston Rockets at umalis na ang kanyang longtime Miami teammate na si LeBron James ay naging madali kay Bosh ang magdesisyon.
“We’ve built a life in South Florida and we’re comfortable,” sabi ni Bosh. “So I had to do what’s best now for myself and my family.”
Pipirma si Bosh ng $118 million, five-year deal para sa kanyang pananatili sa Miami.
Sa pagbabalik ni James sa Cleveland ang boses na ni Bosh ang mangingibabaw sa Heat locker room.
“I can’t lie to you: I’m excited. I’m excited for the challenge,” wika ni Bosh matapos ang break sa kanyang NBA Africa duties.
“I want to step up to the challenge. I feel this is a chance to prove to myself and others that I can still do this.
Si Bosh ang naging lider sa Toronto bago lumipat sa Miami kasama sina James at Dwyane Wade noong 2010.
Ngayon ay si Bosh na ang magiging isa sa highest-paid players sa NBA sa susunod na limang seasons.
Nakuha na nila si Bosh at panibagong kontrata ang pipirmahan ni Wade bukod pa sa pagpayag ni small forward Luol Deng para sa isang two-year deal.
Magbabalik din si point guard Mario Chalmers sa Heat na may mga alok kina forwards Josh McRoberts at Danny Granger.
- Latest