Paul George kasama sa NBA selection kontra Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng kanyang ika-68 kaarawan, muling sinorpresa ni Samahang Basketball ng Pilipinas president at business tycoon Manny Pangilinan ang mga Pinoy sa pagdating ni Indiana Pacers superstar Paul George para sa isang exhibition game sa pagitan ng Gilas Pilipinas at NBA players selection ngayong buwan.
Inanunsyo ni Pangilinan ang pagbabalik ni George sa bansa sa kanyang Twitter account (iamMVP).
What a nice bday surprise - We welcome All-Star Paul George back to Manila for #GilasLastHOMEStand - mapapaLABAN sina Gabe, Ping, Jeff dito
— Manny V. Pangilinan (@iamMVP) July 14, 2014
Una nang nakapunta sa bansa si George nitong nakaraang taon para sa bibihirang NBA pre-season game sa pagita ng Pacers at Houston Rockets.
Kaugnay na balita: NBA Finals MVP Leonard makakalaban ang Gilas Pilipinas
Makakasama ni Georga sina LA Clippers' Blake Griffin, bagong lipat na si Paul Pierce ng Washington Wizards, Portland Trailblazers' Damian Lillard at Toronto Raptors' DeMar DeRozan.
Palalakasin pa ni 2014 NBA Finals MVP Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs ang kanilang koponan na tutulungan pa nina free agent playmaker Kyle Lowry at Houston Rockets' 42nd pick ng 2014 NBA Draft na si Nick Johnson.
Gagawin ang “PLDTHome: The Last Home Stand All-Star Charity Event” sa Hulyo 22 at 23 sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang kikitain ng laro ay ibibigay sa Philippine Disaster Relief Foundation.
- Latest