^

PSN Palaro

Gilas binawian ang C-Taipei

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng limang three-pointers ang Gilas national team sa hu­ling yugto upang mapawi ang di magandang pag­lalaro sa ikatlong canto tungo sa 78-64 panalo sa Chinese Taipei sa pagsisimula ng kampanya sa 5th FIBA Asia Cup kahapon sa Wuhan Sports Center, Wuhan, China

Tig-dalawang triples ang ginawa nina Gary David at ang baguhan sa ko­ponan na si Paul Lee at pasiklabin ang 31-14 palitan para matabunan ng Pambansang koponan ang 47-50 iskor sa pagtatapos ng pangatlong yugto.

Ang buslo ni Taiwanese naturalized center Quincy Davis ang huling nagpatikim ng kalamangan sa kanyang koponan, 54-52, bago sina David, Lee at Ranidel De Ocampo ay nagpakawala ng tatlong triples sa 13-0 bomba at ilayo ang Pilipinas sa 11 puntos, 65-54.

Tumapos si Lee taglay ang 18 puntos na sinangkapan ng 4-of-7 shooting sa 3-point arc habang si David ay may 16 puntos kasama ang tatlong tres.

Sina De Ocampo at LA Tenorio ay naghatid ng tig-11 puntos habang si Marcus Douthit ay mayroong 16 rebounds para isama sa kanyang 8 puntos, 3 blocks at 2 assists.

Tinutukan din nito si Davis na matapos gumawa ng 21 puntos at 17 board sa 85-63 dominasyon sa Jordan sa unang laro noong Biyernes ay nakontento sa pitong puntos at 9 boards.

Ang panalo ay pambawi ng Pilipinas matapos malusutan ng Taiwan noong 2013 FIBA Asia Men’s Championship sa bansa.

Masama ang shooting sa 3-point line ng Taiwa­nese team matapos ang 8-of-25 performance at nakalamang din ang Pilipinas sa rebounds (48-36) at assists (21-17).

Pahinga ngayon ang Gilas bago bumalik sa ak­syon bukas laban sa Singapore.

 

ASIA CUP

ASIA MEN

CHINESE TAIPEI

GARY DAVID

MARCUS DOUTHIT

PAUL LEE

PILIPINAS

PUNTOS

QUINCY DAVIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with