^

PSN Palaro

PFF ipasusuri ang football field sa RMSC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipasusuri ng Philippine Football Federation ang bagong gawang Rizal Memorial artificial football field para magamit ito sa malalaking torneo na may basbas ang FIFA.

Nasa standard ang sukat ng field na 105-meters x 68-meters ngunit kailangan pa ng sertipikasyon sa ibang aspeto para mabigyan ng basbas ng FIFA.

“Dadaan ito sa mga exa­­mination tulad ng pag­talbog ng bola at iba pa. Kung makakapasa ito, magagamit na ang field para makapagdaos ng international football competition,” wika ni PFF secretary-general Atty. Ed Gastanes.

Ang tiyak pa lamang ngayon ay gagamitin ang field ng PFF para sa ginagawang 1st PFF Women’s Cup at ang isusulong na 2014 Peace Cup na nakakalendaryo mula Setyembre 1 hanggang 9.

May tatlong bansa ang inaasahang makikipaglaro sa Pilipinas sa nasabing torneo. Gumasta ang PSC ng P19 milyon para sa artificial turf at sulit umano ito ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia dahil pangmatagalan na ito.

“Wala ng maintainance na kailangang gawin sa field at 24/7 puwede itong laruan at kahit umuulan pa. Ginawa namin ito para sa mga Filipino at mawala man kami rito ay nandiyan at mapapakinabangan pa rin ang pitch,” ani Garcia.

Matagal ng nagbabalak ang Pilipinas na mag-host ng prestihiyosong torneo pero hindi magawa dahil sa walang magandang pitch. (AT)

DADAAN

ED GASTANES

GARCIA

GINAWA

PEACE CUP

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

PILIPINAS

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with