^

PSN Palaro

Tempra Run magbibigay ng diskuwento

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbibigay ng dis­kuwento sa mga corporate, school at grupong mana­nakbo ang ikatlong Tempra Run Against Dengue sa Hulyo 20 (Linggo), 4 a. m., sa Cultural Center of the Philippines grounds.

Maaari lamang ta­wa­­gan ang (landline) 504-5990, (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at Smart (0928-2618028) para sa karagdagang detalye. Maari ring pumunta sa Toby’s Arena sa Glorietta 2,sa Toby’s-SM Manila para sa diskuwento.

Parte ng mga kikitain sa advocacy run na sinusuportahan ng Pasay City, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s, Vitwater, Banana Boat at Guard Insect Repellent, ay ipambibili ng iba’t ibang anti-dengue modalities na ipamamahagi sa mga day-care centers at barangay sa siyudad.

Kailangang magdala ng kahong walang laman ng Tempra syrup o drops o 10 empty blister packs ng Tempra tablets para makakuha ng P50 discount at makasali sa raffle, kung saan ang mga premyo ay LED TV, mountain bike, tablet, android cellphone, hotel accommodations, Star City GCs, Food GCs at movie passes.

Apat na kategorya ang bumubuo sa fun run--10k (P500), 4k (P400), 2k (P350) at Family Run (P300 sa bawat runner), kung saan ang magulang (o mga magulang) ay tatakbo ng isang kilometro kasama ang kanyang anak o kanilang mga anak.

 

BANANA BOAT

BUSINESS MIRROR

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

FAMILY RUN

GUARD INSECT REPELLENT

HEALTH AND FITNESS MAGAZINE

PASAY CITY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with