^

PSN Palaro

Smart Nat’l Open Badminton tourney handa na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtutuos ang mga ipinagmamalaking manlalaro sa badminton sa SMART National Open Badminton Tournament mula Hulyo 14 hanggang 18 sa Powersmash Badminton Center sa Chino Roces Avenue, Makati City.

Hindi bababa sa 500 manlalaro ang inaasahang sa­sali sa kompetisyong itinataguyod ni Smart Telecommunication’s Chairman Manny V. Pangilinan.

Kasali rin ang mga kasapi ng national team katulad ni­na  Antonino Toby Gadi, Pe­ter Gabriel Magnaye, Joper Es­cueta, Paul Vivas, Gelita Castilo, Jayson Oba-ob, Ro­nel Estanislao at Michael Cudiamat.

May basbas ng Philippine Badminton Association, ang limang araw na torneo ay bahagi rin ng Philippine Na­tional Ranking System (PNRS).

Ang Bise Pangulo at presidente ng PBA na si Jejomar Binay ay sasamahan nina PBA secretary-general Congressman Albee Benitez at PBA chairman Pangilinan sa awarding ceremony.

Ang mga kategoryang paglalabanan ay ang men’s at women’s singles, men’s at women’s doubles at mixed doubles events.

Maisasagawa ang kompetisyon dahil na rin sa su­porta ng MVP Sports Foundation, Smart Live More, Sun Cellular, Smash Philippines at Babolat.

Para sa ibang detalye ay maaaring tawagan si Yo­ly Araulo (09328740454) o si Ma. Judith Brosula (09998281648) o mag-email sa [email protected].

ANG BISE PANGULO

ANTONINO TOBY GADI

CHAIRMAN MANNY V

CHINO ROCES AVENUE

CONGRESSMAN ALBEE BENITEZ

GABRIEL MAGNAYE

GELITA CASTILO

JAYSON OBA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with