^

PSN Palaro

PNP, AFP agawan sa titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan ang malaking giyera sa pagitan ng PNP Responders at AFP Cavaliers sa sudden-death para sa UNTV Season 2 Cup title ngayon gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nauwi sa isa’t isa ang best-of-three Finals nang manalo ang Cavaliers sa Responders,75-64, sa Game Two noong nakaraang linggo.

Nasa Cavaliers ang momentum pero hindi padadaig ang determinasyon ng Responders na iiwas na malagay sa pangalawang puwesto sa ikalawang sunod na taon sa larong itinakda sa alas-5 ng hapon.

Si Olan Omiping na sa ikalawang sunod na taon ay kinilala bilang Most Valuable Player ng liga, ay nangakong pangungunahan ang PNP sa panalo.

“We will recover,” wika ni Omiping.

Sa kabilang banda, ang AFP ay aasa sa husay ng mga beteranong sina Eugene Tan, Ronaldo Pascual at Alvin Zuñiga.

Ang mananalo sa la­rong ito ay gagawaran ng P1.5 milyon premyo na ibibigay ng champion team sa kanilang paboritong charitable institution.

Magkikita uli sa isang exhibition game ang Legislatives at Executives at nais ng huli na maduplika ang 66-65 panalo sa naunang pagkikita.

ALVIN ZU

ASAHAN

EUGENE TAN

GAME TWO

MOST VALUABLE PLAYER

NASA CAVALIERS

RONALDO PASCUAL

SI OLAN OMIPING

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with