Djokovic hari ng Wimbledon, tinalo si Federer
MANILA, Philippines - Matapos ang apat na oras na mental torture ay lumuhod si Novak Djokovic, kumuha ng isang dakot na damo at inilagay ito sa kanyang bibig.
Ito na ang pinakamatamis niyang tagumpay sa Wimbledon.
Nagwakas ang paghihirap ng Serbian matapos masalag ng net ang backhand ni Roger Federer para sa kanyang 6-7 (7), 6-4, 7-6 (4), 5-7, 6-4 panalo.
Ito ang ikalawang sunod na paghahari ni Djokovic sa Wimbledon kasabay ng pagkakait kay Federer ng record nitong pang-walong titulo.
Nauna nang umasa ang Serb na mananalo nang lumamang sa 5-4 sa fourth set kung saan sinabi ng line judge na pumasok ang tirada ng Swiss.
“This win has a special importance to me mentally. Because I managed to not just win against my opponent but win against myself as well and find that inner strength that got me the trophy today,” wika ni Djokovic, nauna nang natalo sa lima sa kanyang anim na grand slam finals.
Ang kanyang nakatakdang pagpapakasal kay Jelena Ristic ay naging double celebration para kay Djokovic.
Ang panalo ang pang-pitong Grand Slam crown ni Djokovic na sumira sa anim ng kanyang coach na si Boris Becker.
Kinalma naman ang 32-anyos Swiss, nabigong makuha ang kanyang ika-18 grand slam title, nina Prince William at Duchess of Cambridge.
Ang laro ay nagtampok sa 29 aces ni Federer na nagbunga ng 75 winners.
- Latest