^

PSN Palaro

Altas inilaglag ang Stags, sumalo sa itaas

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

12 n.n. Areallno U vs EAC (Jrs./Srs.)

4 p.m. (JRU vs St. Benilde (Jrs./Srs.)

 

MANILA, Philippines - Dinungisan ng University of Perpetual Help System Dalta ang rekord ng San Sebastian College matapos itakas ang 82-79 panalo sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Are­na, San Juan.

Binanderahan ni Earl Thompson ang Perpetual sa itinalang 26 points, 4 rebounds at 3 assists para samahan ng Altas ang  pahingang San Beda sa liderato.

Napanatili ng Altas ang kalamangan na nag-umpi sa baliktarang 31-13 iskor sa first quarter ngunit dumikit ang Stags at nakadikit sa third period, 59-61.

Nagdagdag si Harold Arboleda ng 19 points at 18 markers ni Juneric Baloria para sa Altas.

“Sabi ko sa kanila kailangan ng depensa para manalo,” wika ng 74-anyos coach na si Aric Del Rosario sa Perpetual.

Hindi man nakapuntos ng malaki, kinuha naman ni Ric Gallardo ang susi upang manalo ang Altas nang angkinin ang defensive rebound sa huling segundo ng laban.

Binanderahan ni Jamil Ortuoste ang San Sebastian mula sa kanyang 22 points, habang nagdagdag ng 18 si Bradwyn Guinto kasunod ang 16 ni Jovit dela Cruz dahilan upang mahulog ang Stags sa 2-1 kartada.

Nalimitahan naman si CJ Perez, naglista ng average na 24.5 points sa una nilang dalawang laro, sa 8 points dahil sa pagkakalagay sa foul trouble. (Merrowen Mendoza-trainee)

Perpetual 82 -- Thompson 26, Arboleda 19, Baloria 18, Alano 6, Dizon 5, Dagangon 5, Gallardo 3, Oliveria 0, Bantayan 0, Sadiwa 0, Jolangcob 0.

San Sebastian 79 -- Ortouste 22, Guinto 18, DelaCruz 16, Perez 8, Fabian 4, Aquino 4, Balucanag 3, Calisaan 2, Yong 2, Costelo 0.

Quarterscores: 31-13; 47-29; 61-59; 82-79.

 

ALTAS

AREALLNO U

ARIC DEL ROSARIO

BINANDERAHAN

BRADWYN GUINTO

EARL THOMPSON

HAROLD ARBOLEDA

JAMIL ORTUOSTE

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with