^

PSN Palaro

PH team sa Olympiad ibabandera ni So

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Super Grandmaster Wesley So ang national men’s team na ilalaban sa 41st World Chess Olympiad na gagawin sa Tromso, Nor­way mula Agosto 1 hanggang 15.

Sa komunikasyon na ipinadala ni NCFP president Prospero Pichay kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia kahapon, makakasama ni So sina GM Catalino Sadorra, GM Oliver Barbosa, GM Eugene Torre at GM John Paul Gomez.

Sina Sadorra at Barbosa ay naka-base sa US habang sina Torre at Gomez ang  nalagay sa una at ikalawang puwesto sa idinaos na Battle of the Grandmasters kamakailan.

Ang US-base na si GM Rogelio Barcenilla Jr. ang siyang inilagay bilang coach ng  koponan na mag­ta­tangkang panta­yan o higitan ang pinakama­gandang ikapitong puwes­tong pagtatapos ng Pilipinas na nangyari noong 1988 sa Thessalo­niki, Greece.

Magpapadala rin ang NCFP ng panlaban sa kababaihan at ito ay bubuuin nina WIM Che­ra­dee Camacho, WIM Ca­therine Perena,WFM Janelle Mae Frayna, WNM Jan Jodilyn Fronda at Christy Larniel Bernalos. Si NCFP executive director GM Jayson Gonzales ang mauupo bilang coach ng koponan.

Ang pagkakalagay kay So ay ginawa kahit wala pang kasiguruhan kung sasama ang 20-anyos GM sa Pambansang koponan.

Sa pagkapasok ng pa­ngalan ni So sa line-up, inaasahang ibabalik ng PSC ang buwang P40,000.00 allowance nito na pansamantalang itinigil matapos lumabas ang mga pa­ha­yag ng manlalaro sa internet.

Ang line-up na ito ay para sa PSC lamang at puwede pa itong mabago dahil ang final  line-up sa Olympiad ay isinusumite sa araw ng manager’s meeting.

BATTLE OF THE GRANDMASTERS

CATALINO SADORRA

CHRISTY LARNIEL BERNALOS

EUGENE TORRE

JAN JODILYN FRONDA

JANELLE MAE FRAYNA

JAYSON GONZALES

JOHN PAUL GOMEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with