^

PSN Palaro

So tumapos ng 2nd sa Edmonton Chessfest

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino GM Wesley So si Canadian FIDE Master Dan Hassael gamit ang Gruenfeld Defense para malagay sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng 9th Edmonton International sa Edmonton, Alberta, Canada kahapon.

Nanalo si So matapos ang 24 sulungan para tapusin ang kompetisyon bitbit ang 7.5 puntos. Kinapos siya ng kalahating puntos sa nagkampeon na si Ukraine GM Vassily Ivan­chuk sa walong puntos.

Tinalo ng dating World Challenger na si Ivanchuk si US GM Samuel Shankland sa 35 moves ng King’s Indian Attack.

Sa kabuuan ng siyam na rounds, si So ay nagtala ng anim na puntos at tatlong draw.

Ininda ng 20-anyos na GM ang pagkatabla sa eight round laban kay US GM Irina Krush na sinabayan ng pagkapanalo ni Ivanchuk kay Canadian IM Richard Wang.

Si Ivanchuk ay tumapos bitbit ang pitong panalo at dalawang draw. Ang laro niya kontra kay So at Krush ay nauwi sa draw.

Ang ipinakita ni So ay magandang pruweba sa kakayahan na tulungan ang national chess team sa gagawing kampanya sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway mula Agosto 1  hanggang 15.

Pero si So na   isa sa tatlong seeded sa koponang ipinoporma ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), ay hindi pa naghahayag ng desisyon kung sasama ba o hindi dahil nais na niyang lumipat sa US federation.

EDMONTON INTERNATIONAL

GRUENFELD DEFENSE

INDIAN ATTACK

IRINA KRUSH

IVANCHUK

MASTER DAN HASSAEL

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

RICHARD WANG

SAMUEL SHANKLAND

SI IVANCHUK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with