^

PSN Palaro

3rd Tempra Run Against Dengue pakakawalan sa Hulyo 20 sa CCP Grounds

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang isagawa ng Tempra, sa kooperasyon ng Subterranean Ideas at ng Pasay City, ang ikatlong Tem­pra Run Against Dengue sa Hulyo 20 sa Cultural Center of the Philippines grounds.

Ang bahagi ng mga kikitain sa advocacy run na si­nusuportahan ng Pasay City, Philippine Charity Sweepstakes Office, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s at Guard Insect Repellent ay ipambibili ng iba’t ibang anti-dengue modalities na ipamamahagi sa mga day-care centers at barangay sa siyudad.

Apat na kategorya ang bumubuo sa fun run -- ang 10k (P500), 4k (P400), 2k (P350) at Family Run (P300  bawat runner) -- kung saan ang magulang o mga magulang ay tatakbo ng isang kilometro kasama ang kanyang anak o kanilang mga anak.

Maaaring magpalista sa Toby’s Arena sa Glorietta 2,sa Toby’s-SM Manila o sa mismong pagsisimulan ng karera isang oras bago ang 10k run sa araw ng Den­gue Run.

Maaaring tawagan ang mga sumusunod para sa karagdagang detalye -- (landline) 504-5990, (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at Smart (0928-2618028).

Kailangang magdala ng kahon ng Tempra syrup o drops na walang laman o 10 empty blister packs ng Tempra tablets para makakuha ng P50 discount at makasali sa raffle.

Ang mga premyo ay LED TV, mountain bike, tablet, android cell phone, hotel accommodations, Star City GCs, Food GCs at movie passes.

 

BUSINESS MIRROR

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

FAMILY RUN

GUARD INSECT REPELLENT

HEALTH AND FITNESS MAGAZINE

MAAARING

PASAY CITY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

TEMPRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with