^

PSN Palaro

Inungusan ang determinadong Chile sa 2nd round Brazil sa quarters

Pilipino Star Ngayon

BELO HORIZONTE, Brazil -- Taliwas sa inaa­sahan ng lahat, hindi si Ney­mar, ang poster boy ng Bra­zil para sa 2014 World Cup, ang naging susi sa ta­gumpay ng koponan.

Ito ay si goalkeeper Ju­lio Cesar na sumalag sa mga krusyal na pagtatangka ng Chile para kunin ang 3-2 penalty shootout win sa second round ng torneo.

Sa pagkakatabla ng is­kor sa 1-1 ay nalagay sa ba­lag ng alanganin ang Bra­zil nang tumama ang tangkang goal ni Chile forward Mauricio Pinilla sa crossbar sa dulo ng extra time.

Sa final kick ng laro ma­tapos ang dalawang pagsalag ni Cesar sa shootout ay tumama naman ang bo­la ni Gonzalo Jara sa poste.

“I believe the Brazilian people just needed this,” sa­bi ni Cesar, nakagawa ng pagkakamali noong 20­10 sa South Africa na nag­resulta sa kabiguan ng Bra­zil sa quarterfinal round.

“The players, everybo­dy else, we needed this,” dag­dag pa nito.

May tatlong laban pang dapat ipanalo ang home team bago ang­ki­nin ang kanilang ikaanim na World Cup title.

‘’Let’s see if we can make fewer mistakes in the next matches,’’ sabi ni Bra­zil coach Felipe Scolari. ‘’Per­haps next time we won’t be as lucky.’’

Parehong umiskor sa shoot­out sina Neymar, Da­­vid Luiz at Marcelo at si­nalag naman ni Cesar ang mga penalty kick nina Pinilla at Alexis Sanchez ng Chile.

Makakatapat ng Brazil sa quarterfinals ang Colom­bia na nagpayukod sa Uruguay, 2-0.

 

vuukle comment

ALEXIS SANCHEZ

COLOM

FELIPE SCOLARI

GONZALO JARA

MAURICIO PINILLA

SHY

SOUTH AFRICA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with