^

PSN Palaro

Shakey’s V-League hahataw ngayon

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  NU vs UP

4 p.m. PNP vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Tatlong collegiate teams at isang club team ang mag-uunahan sa pagsungkit ng kanilang unang panalo sa pagsisimula ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference  sa The Arena sa San Juan City.

Ang National University Lady Bulldogs ay babangga sa UP Lady Maroons sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon bago pumalit ang Ateneo Lady Eagles para sukatin ang PNP Lady Patrollers dakong alas-4 ng hapon.

Nakatutok ang mata sa ipakikita ng Lady Bulldogs ngayong wala na sa ko­ponan ang 6’2 na si Dindin Santiago na siyang naka­tu­long para makatikim ng titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ang nakababatang ka­pa­tid ni Dindin na si 6’4 Jaja Santiago ang makikipagtulungan ngayon kina Carmina  Aganon, Myla Pablo, Ivy Perez at Desiree Dadang para makatikim agad ng panalo ang dating kampeon sa first confe­rence.

Sina Alyssa Layug, Yen Ilustre, Angeli Araneta, Ary­lle Magtalas at Monica Ortiz ang magdadala sa laban ng Lady Maroons.

Si Alyssa Valdez ang pangunahing manla­laro uli ng Lady Eagles para magkaroon ng mas ma­gandang kampanya ang UAAP champion.

Makakasama ni Valdez sina Amy Ahomiro, Michelle Morente, Ella de Jesus, Aerieal Patnongon at mga bagong pasok na sina Bea de Leon at Therese Gaston.

 

AERIEAL PATNONGON

AMY AHOMIRO

ANG NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

ANGELI ARANETA

ATENEO LADY EAGLES

DESIREE DADANG

LADY MAROONS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with