Suarez sinuspinde ng 4-buwan dahil sa pangangagat kay Chiellini
BRAZIL-Pinatawan ng apat na buwang suspension ng FIFA si Luis Suarez bilang tugon sa pangangagat nito sa isang Italian player sa 2014 World Cup dito.Sa balikat kinagat ni Suarez si Giorgio Chiellini sa laro noong Martes na napanalunan din ng Uruguay, 1-0, para magpatuloy ang kampanya para sa titulo.
Dahil sa ipinataw na kaparusahan, si Suarez ay hindi na makakasama pa ng Uruguay sa mga susunod na laro ng koponan na magsisimula laban sa Colombia sa Last 16 match.
Hindi rin siya makakalaro sa unang dalawang buwan sa kompetisyon sa Liverpool at bawal din siyang makasama ng Uruguay sa Copa America na kung saan ang bansa ang siyang nagdedepensang kampeon.
Ito na ang pinakamahabang suspension na ipinataw ng FIFA sa isang football player matapos ang 15-buwan suspension kay Diego Maradona noong 1994 dahil sa pagbagsak sa drug test.
Kilalang mahusay na manlalaro si Suarez pero kasama sa kanyang career ang kontrobersya dahil ilang beses na siyang nasuspindi dahil sa pangangagat at di magandang asal.Ngunit tila nagbago na siya dahil noong nakaraang taon ay wala siyang naging suspension para kilalanin bilang Best Player ng Englist league.
- Latest