Orcollo, de Luna laglag na rin Biado, 3 pa sa last 16
MANILA, Philippines - Pinagpahinga ng semifinalist noong nakaraang edisyon na si Carlo Biado si Jason Klatt ng Canada, 11-5, para pamunuan ang apat na Filipino cue-artists na nagwagi sa Last 32 ng 2014 World 9-Ball Championship kahapon sa Al Saad Sports Club sa Doha, Qatar.
Sa first session naglaro sina Biado, Elmer Haya, Johann Chua at Raymund Faraon na pinalad din na nalusutan ang mga nakatunggali upang manatiling palaban sa kampeonato at $30,000.00 unang gantimpala.
Sinibak ni Haya si Hijikata Hayato ng Japan, 11-8; si Chua ay kuminang kay Konstantin Stepanov ng Russia, 11-3; at si Faraon ay pinagpahinga si Wang Can ng China, 11-7.
Nasa second session sina 2013 runner-up Antonio Gabica at Ramil Gallego at kalaro nila sina Ryu Seung Woo ng Korea at Nick Van Den Berg ng Netherlands ayon sa pagkakasunod.
Bukod sa Last 32 ay gagawin din ang tagisan sa Last 16 at Last 8 at sa araw na ito ay paglalabanan ang semifinals at finals ng torneo.
Anim na lamang ang natira mula sa 11 na umaÂbot sa knockout round dahil nasibak ang mga beteranong manlalaro ng bansa sa unang laro.
Nasama sa namahiÂnga sina dating World chamÂpion Dennis Orcollo at Jeffrey De Luna nang yumukod kina Naoyuki Oi ng Japan, 8-11, at Jason Klatt ng Canada, 6-11.
Sina Warren Kiamco, Lee Vann Corteza at Francisco Felicilda ang mga naunang nasibak sa yugtong ito.
- Latest