Pacquiao nominado bilang 'Fighter of the Year'
MANILA, Philippines — Matapos bumangon sa pagkatalo at muling maging kampeon, nominado si Filipino boxing champion Manny Pacquiao bilang Best Fighter of the Year ng Excellence in Sports Performance Yearly ng sports network na ESPN.
Sinabi ng ESPN na karapat dapat na mapabilang si Pacquiao sa mga nominado matapos makabawi kay Timothy Bradley at bawiin ang WBO welterweight title.
"He also beat Brandon Rios for the vacant WBO International welterweight crown," pahayag ng American sports network.
Kalaban ni Pacquiao sa parangal ay ang wala pang talong si Floyd Mayweather Jr., mixed martial artists na sina Jon "Bones" Jones, Andre Ward, at Ronda Rousey.
Si Mayweather ang nakakuha ng pagkilala nitong nakaraang taon.
Samantala, nominado rin ang isang Filipino-American Paralympics wheelchair racing champion na si Raymond Martin.
Si Martin ang kauna-unahang nakakupo ng limang gintong medalya sa 2013 IPC Athletics Championships.
Si Martin ang kinilalang Male Paralympic Athlete of the Year nitong 2013 ng United States Olympic Committee, kung saan pinagharian niya ang men's T52 100m, 200m, 400m, 800m at 1500.
- Latest