^

PSN Palaro

Reyes, Corteza, Kiamco sibak na Chua, 2 pa pasok sa last 32

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy nina Johann Chua, Raymond Faraon at Elmer Haya ang magandang ipinakita sa Group stages nang naalpasan ang unang laro sa Knockout round ng World 9-Ball Championship kahapon sa Al Saad Sports Club sa Doha, Qatar.

Si Chua na tulad nina Faraon at Haya ay nanggaling sa winner’s group, ay kinalos si Daniele Corrieri ng Italy, 11-4 habang si Faraon ay nanalo kay Liu Cheng Chieh ng Chinese Taipei, 11-5.

Nangibabaw naman si Haya sa kababayang si Francisco Felicilda, 11-4.

Ang tatlong panalong ito ang nagpakinang sa di magandang panimula ng 11 Filipino cue-artists na umabante dahil ang mga tinitingala na sina Lee Vann Corteza at Warren Kiamco ay namaalam na.

Parehong lumusot mula sa loser’s bracket, si Corteza ay natuluyan sa kamay ng di kilalang si Waleed Majeed ng host Qatar, 11-6, habang si Kiamco ay nalaglag kay Wang Can ng China, 11-9.

Ang iba pang kuma­kampanya sa  Last 64 ay sina Antonio Gabica, Dennis Orcollo, Carlo Biado, Jeffrey De Luna at Ramil Gallego.

Kalaban ng puma­ngalawa noong 2013 na si Gabica si Medhi Rasekhi ng Iran, si Orcollo ay ka­tapat si Naoyuki Ohi ng Japan, si Biado ay mapa­palaban kay Mieszkoo  Fortunski ng Poland, si De Luna ay masusukat kay Jason Klatt ng Canada at si Gallego ay mapapalaban kay Ralf Souquet ng Germany.

Ang aksyon sa Last 32, Last 16 at Last 8 ay gagawin ngayon habang ang semifinals at finals ay paglalabanan bukas.

Naunang namaalam sa Group stages sina Efren “Bata” Reyes, Elvis Calasang at Israel Rota.

Hindi napangalagaan ng1999 champion na si Reyes ang 5-4 kalama­ngan para isuko ang 9-8 pagkatalo kay Karl Boyes.

AL SAAD SPORTS CLUB

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP

CARLO BIADO

CHINESE TAIPEI

DANIELE CORRIERI

DE LUNA

DENNIS ORCOLLO

ELMER HAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with