Costa Rica, Uruguay sisipa sa Last 16
NATA, Brazil--Hiniritan ng Costa Rica ng scoreless draw ang England habang may 1-0 panalo ang Uruguay sa Italy para umabante na sa Last 16 sa 2014 World Cup na ginagawa sa Brazil.
Naunang tinalo ang Uruguay at Italy, ginamit ng Costa Rica ang matibay na depensa gamit ang 5-3-2 formation para umabante na sa Group D.
Napantayan ng Costa Rica ang naabot noong 1990 nang umusad din sila sa kompetisyon habang ang England ay uuwi na ng hindi nakakatikim ng panalo sa edisyong ito,
Si Diego Godin ang nakaiskor sa natatanging goal sa laro ng Uruguay at Italy na naglaro taglay ang 10 booters mula sa 59th miÂnute dahil nabigyan ng red card si Claudio Marchisio nang banggain ang tuhod ni Egidio Arevalo.
Masasabing anino na lamang ang Italy ng isang four-time champion ng World Cup dahil ito ang ikalawang sunod na taon na namaalam sila sa torneo.
Dahil sa pangyayari, ang coach ng Italy na si Cesare Prandelli ay nagbitiw sa puwesto habang ang beteranong midfielder na si Andrea Pirlo ay nagretiro na sa international play.
Tinalo ng Greece ang Ivory Coast, 2-1, habang dinomina ng Colombia ang Japan, 4-1, para umusad na rin mula sa Group C.
Ito ang unang dalawang goals ng Greece matapos ang kawalan ng goal sa naunang dalawang laro para magpatuloy ang kanilang laban.
Samantala, maaaring masuspinde si Luis Suarez ng Uruguay, ang itinuturing na bad boy ng football, matapos kagatin si Italian defender Giorgio Chiellini sa kanilang laro.
Sinasabing nainis si SuaÂrez sa matinding depensa sa kanya ng Italy.
Nangyari ang pangaÂngagat ni Suarez sa pang-80 minuto matapos makabangga si Chiellini sa harap ng Italy goal.
Nahuli sa television cameras ang ginawa ni Suarez na naging worldwide sensation at posibÂleng maging resulta sa pagkakasibak kay Suarez sa World Cup.
- Latest