Lim ayaw paawat, kampeon sa Florida
MANILA, Philippines - Hindi pa natatapos ang tila pagpapakilala ni Alberto “AJ†Lim Jr. sa Florida nang kunin pa ang kampeonato sa Rick Macci Summer Super Junior Tournament noong nakaraang linggo.
Bumangon ang 15-anÂyos na si Lim mula sa pagkatalo sa first set para tuÂhugin si Ezequiel Cerrini ng Sunny Isles Beach, 5-7,6-3, 10-8.
Ang kompetisyon ay ginawa sa clay courts at ang panalo ay patunay na nasasanay na siya sa ganitong palaruan.
Napansin din ng mga humahawak kay Lim sa US na L’Academie de Tennis ang pagbilis ng foot speed nito at ang paglakas ng kanyang mga stroke lalo na sa final game kontra kay Cerrini.
Para makaabot sa chamÂpionship, si Lim ay naÂnalo kina Jean Zidor, 6-2, 6-1; Pierre Brimaire, 6-3, 6-0; Guido Argentini, 6-2, 6-2; at sa 17-anyos na si Galen Arney, 6-2, 6-3.
Bago ang kampeonato rito ay naghari muna si Lim sa Andy Lake Pearl at sa Plantation Open Circuit III.
Ito na rin ang lalabas na ikaapat na titulo ni Lim sa labas ng Pilipinas sa taong ito dahil una niyang pinagharian ay ang China Juniors noong Mayo.
Ang naganap na kompetisyon ang pinakamataas na junior event na puwedeng mapanalunan ng isang dayuhan tulad ni Lim.
Kaya ang susunod niyang kompetisyon ay ang Plantation Open Circuit IV at dalawang Men’s Futures.
Nakakalendaryo rin siya sa Canadian World Junior at International Hardcourts Junior Championships bago bumalik ng Pilipinas para maglaro sa PCA Open.
Balak niya na mapaghaÂrian ang PCA Open matapos pumangalawa sa idinaos na Philippine National Games na kung saan ang tinalo niya sa semifinals ay ang six-time PCA champion at beterano ng Davis Cup na si Johnny Arcilla.
Natalo sa final round si Lim sa kamay ni national team member PJ Tierro.
- Latest