^

PSN Palaro

Gulpe de gulat

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Gaya ng inasahan ay nagpasiklab ng husto ang  Pa­gara brothers nung nakalipas na Sabado sa Water­front Hotel sa Cebu City.

Ginulpi at pinatumba ng batang magkapatid na tubong Cagayan de Oro ang kanilang mga kalaban na bumiyahe pa mula Mexico.

Unang pinatulog ni Albert Pagara si Hugo Partida mahigit isang minuto pa lang mula opening bell. Maagang tumumba si Partida at nasundan ito ng standing eight count.

Hiyawan ang mga tao. Gutom lahat sa knockout.

At hindi sila binigo ni Albert na nangako nung kinaga­bihan na patutulugin niya ang kanyang kalaban. Hindi nagtagal nang muli niyang pinatumba si Partida.

Pabagsak pa lang si Partida sa sahig ay winawagay­way na ng referee ang kanyang kamay. Natagalan ito bago nakatayo.

Sabi ko nga, may angas si Albert. Pero may ibu­buga naman talaga.

Sumunod ang kanyang matandang kapatid na si Jason Pagara laban kay Mario Meraz.

Tumba rin sa first round ang bisita pero nakuhang tumayo at makipag-palitan ng malalakas na suntok. Tumama rin siya ng magagandang suntok.

Sa fourth round ay nayanig si Jason pero nakabawi. Inabutan niya si Meraz na nakasandal sa lubid at pinupog ng malalakas na suntok sa ulo.

Tumba ang kalaban.

Binilangan ng Pinoy na referee pero nakatayo sa bilang ng walo. Akala ko ay tuloy na ang laban ng big­lang itinigil ni Danrex Tapdasan ang laban.

Marami ang nagulat. Nakatayo na nga naman si Meraz. Pero isa lang ang referee sa loob ng ring.

Nakita raw ni Tapdasan na blangko ang mga mata ni Meraz at gumewang ito nang utusan niyang maglakad papalapit sa kanya.

Ang decision ng referee: Tama na. Sobra na.

Mabuhay ang Pagara brothers.

ALBERT PAGARA

CEBU CITY

DANREX TAPDASAN

HUGO PARTIDA

JASON PAGARA

MARIO MERAZ

MERAZ

PARTIDA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with