Orcollo, 6 pa pasok sa last 64
MANILA, Philippines - Pitong cue-artists mula Pilipinas ang nanalo sa kanilang mga laro sa winner’s side at umabante sa Last 64 sa 2014 WPA 9-Ball Championship sa Al Saad Sports Club sa Doha, Qatar.
Si Antonio Gabica ay nanaig kay Michel Bartol ng Croatia, 9-3, sa Group 4; si Dennis Orcollo ay nanalo kay Ko Ping Chung ng Chinese Taipei, 9-6, sa Group 7; si Raymund Faraon ay wagi kay Young Hwa Jeong ng Korea, 9-7, sa Group 9; si Carlo Biado ay nangiÂbaÂbaw kay Tom Storm ng Sweden, 9-7, sa Group 8; si Johann Chua ay nagpasikat sa beteranong si Lo Li Wen ng Chinese Taipei, 9-6, sa Group 13; si Jeff De Luna ay nanaig sa kababayang si Israel Rota, 9-3, sa Group 14; at si Elmer Haya ay lumusot kayi Artem Koshovyi ng Ukraine, 9-8, sa Group 16.
Natalo si Warren KiamÂco kay Niels Feijen ng Netherlands, 9-6, sa Group 6 at minalas din si Elvis Calasang kay Wu Jiaquing ng China, 9-7, sa Group 10.
Lalabas na pito ang Pinoy na nasa one-loss side dahil nasa grupo rin sina Efren “Bata†Reyes, Ramil Gallego, Lee Van Corteza at Francisco Felicilda.
Kailangang maipanalo ng mga ito ang kanilang mga laban para madagdagan ang mga panlaban ng bansa.
Kalaban ni Kiamco si Frailin Guanipa ng VeneÂzuela; si Calasang ay katapat ni Albin Ouschan ng Austria; si Rota ay kasukatan ni Manuel Gama ng Portugal; si Reyes ay katunggali si Karl Boyes ng Great Britain; si Gallego ay kalaro si Bartol, si Feicilda ay masusukat kay Mario He ng Austria at si Corteza ay mapapalaban kay Omran Salem ng UAE. (AT)
- Latest